Inalmahan ni Konsehal Joel B. Bito-onon ang sobra-sobra umano na oras ng Flag Raising Ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng Narra, Palawan.
Sa privilege speech ng lokal na mambabatas ngayong Martes, inihayag nito na marami din umano ang nagpapaabot sa kaniya ng reklamo tungkol rito.
Umaabot kasi ng hanggang alas-nwebe ng umaga o higit pa ang seremonya dahil iniisa-isa umano ang pag-report ng mga konsehal at iba pang Departamento sa bawat nakaatang na tungkulin.
Ang isyu ay alinsunod umano sa kagustuhan ni Narra Mayor Gerandy Danao na posibleng malaki umano ang epekto sa mga empleyado. Dahil daw sa mahabang oras ay naabala ang operasyon nila at ibang mga opisina na kinakailangan ng taong bayan.
Ipinagdiinan ni Bito-Onon na pagpatak ng alas-otso ng umaga ay oras na ito upang pumasok sa kaniya kaniyang trabaho ang mga opisyales.