Sobrang P57.3-B loans, pwede gamitin sa pagbabakuna sa mga kabataan

Nakikita ni Senator Panfilo Lacson na hindi na kailangan ng Pilipinas na kumuha ng bagong pondo para sa pagbabakuna sa Filipino minors laban sa COVID-19.

Ayon kay Lacson, mula kasi sa P57.3-billion loans na nakuha ng gobyero para sa COVID-19 pandemic response, ay mayroong sobra na maaring magamit para sa pagbabakuna sa mga kabataan.

Batay umano sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, sinabi ng senador na maaring kailanganin nalang ng bansa ang P30.462 billion para bakunahan ang nasa 68.2 million adult Filipinos ngayong 2021.

Dahil dito, ang difference na P26.83 billion ay higit nang sapat para maisama ang P25-billion na requirement para makabili ng mga bakuna para sa minors.

Una nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na kakailanganin ng Pilipinas ang nasa P20 billion para mabakunahan ang halos 15 million minors na may edad 12-15. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *