Soccsksargen General Hospital mag-ooperate bilang Community Isolation Unit

KORONADAL CITY- MAG-OOPERATE na lamang bilang COVID-19 Community Isolation Unit o CIU ang Soccsksargen General Hospital.

Ito ang inihayag ni Department of Health o DOH 12 assistant regional director at SGH OIC Dr. Sulpicio Henry Legaspi matapos na hindi inisyuhan ng License to Operate ang naturang pasilidad bilang COVID Hospital.

Ayon kay Legaspi na na-downgrade ang kapasidad ng SGH dahil sa mga kakulangan at hindi na-comply na mga requirements na itinakda ng Regulatory and Licensing Enforcement Division ng DOH.

Dahil dito, ang SGH ay binigyan lamang ng certificate bilang Community Isolation Unit, na maaaring gamitin sa pag-apply bilang Philhealth accredited CIU upang makakuha ng reimbursement.

Bilang isolation facility na may 30-bed capacity, inihayag ni Legaspi na mga mild cases lang ng COVID 19 ang maaaring i-admit dito.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang renovation at repair sa naturang pasilidad na inaasahang matatapos sa loob ng tatlong buwan.

Samantala, inihayag naman ni Legaspi na tutulong ang mga DOH-hired staff ng SGH sa manpower ng CIU habang ang ibang mga personnel ay tutulong naman sa vaccination campaign ng mga local government units.

Ayon sa opisyal na nakabuo na sila ng tatlong vaccination teams upang mag-augment sa COVID 19 vaccination ng iba’t ibang Municial Health Offices sa Upper Valley area.

Napag-alaman na hindi pa rin naituturn-over sa DOH ang pamamahala sa SGH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *