Social Action Center, ikinalungkot ang desisyon ng CA sa Envi Code

KORONADAL CITY- IKINALUNGKOT ni Father Jerome Millan, director ng Social Action Center ng Diocese of Marbel ang naging desisyon ng Court of Appeals sa kaso na isinampa ng Blaan Cultural Communities at mga pro-mining groups laban sa provincial government ng South Cotabato na kumukuwestiyon sa legalidad at validity ng Environment Code ng lalawigan, partikular ang probisyon na nagbabawal sa open-pit mining method.

Idineklara ng CA na valid ang naturang ordinansa, ngunit limitado lamang ang aplikasyon nito sa mga small-scale mining operations.

Ayon sa CA, hindi saklaw ng open-pit ban ang large scale mining operations partikular ang Tampakan project ng Sagittarius Mines Inc. (SMI).

Inihayag ni Father Millan na animo’y ginawang katatawanan ang Envi Code dahil mga large-scale mining corporations naman umano ang may kapasidad na magsagawa ng open-pit mining method.

Ang desisyon ng CA ayon kay Millan ay isang pagkatalo, at hindi tagumpay para sa South Cotabato.

Naniniwala naman ito na hindi pa tapos ang laban, at marami pang magagawa ang mga mamamayan sa probinsya at ang mga provincial officials upang mapigilan ang operasyon ng open-pit mining sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *