Social media post na nagsasabing daan-daang US Javelin missiles ang naihatid sa Pilipinas, pinasinungalingan ng AFP

Muling hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa sa social media.

Ito’y makaraang kumalat na naman ang isang social media post na nagsasabing daan-daang US Javelin missiles ang naihatid sa Pilipinas.

Pinasinungalingan ito ng AFP at sinabing ang mga larawan ay kuha pa noong February 2022.

Ang larawan na ginamit at naipost sa social media ay mula sa isang hiwalay at lehitimong paghahatid ng mga Javelin Anti-Tank Missiles sa Ukraine.

Nauna nang sinabi ng AFP, na nakakabahala na ang pagkalat ng fake news lalo na sa mga social media platform kung saan layunin nito na sirain ang kumpiyansa ng publiko sa kasalukuyang administrasyon.

Kaya lalo pang pinaigting ng Sandatahang lakas ang kanilang mga hakbang para labanan ang paglaganap ng fake news sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *