Socorro Bayanihan Services, nanindigang ‘di sila kulto

Hindi na bago para sa grupo sa bayan ng Socorro ng Surigao del Norte na Socorro Bayanihan Services ang usapin na ipinupukol sa kanila na isa silang “Kulto” at may mga Kabataang naabuso sa kanilang samahan.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila, kay Mamerto Galanida, vice president ng nasabing organisasyon, sinagot nito ang mga akusayon at pinangalanan ang isang opisyal na niya’y nagpapakalat ng mga maling balita.

Hinamon rin ni Galanida ang media at mga awtoridad na magtungo sa kanilang lugar bagaman nilinaw nitong marami ng nagtungo at walang napatunayan lalo na sa sinsabing mga iligal na droga at armas na kanilang itinatago.

Samantala, tinawanan lamang ni opisyal ng reliheyosong grupo ang sinasabing itinuturing na panginoon ng grupo si Jey Rence o kilala rin sa tawag na Senior Aguila na itinuturong sangkot sa mga pang-aabuso ng mga kabataan.

Sa huli, matapang na sinabi ng grupo na handa silang magpa-drug test kung kinakailangan maging ang nasa 3000 miyembro ng kanilang samahan para mapatunayan na wala ni isa sa kanila ang snagkot sa iligal na mga gawain.

Provincial Task Force, binuo na

Nabigla raw ang lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte hinggil sa mga alegasyong isang kulto pala ang Socorro Bayanihan Services.

Sa isang panayam, sinabi ni Surigao del Norte Gov. Lyndon Barbers na naka-register pala ang grupo na ito bilang isang NGO.

Sa katunayan, personal pa nga raw silang nakapunta sa site ng grupo noong namahagi sila ng relief goods noong humagupit ang Bagyong Odette sa Lalawigan.

Dahil dito, binuo na raw nila ang isang provincial inter-agency task force para imbestigahan ang isyu na ito.

Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa alklade ng Socorro na si Mayor Riza Timcang na mayroon ding binuong sariling local task force.

Kung maalala, isiniwalat ni Senator Risa Hontiveros na noong Hulyo – nakatakas daw ang ilang mga batang ‘di umano ay mga bitkima ng grupo.

Tiniyak naman na nina Mayor Timcang at Gov. Barbers ang tulong sa mga ito.

Naghain na rin ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI)-CARAGA laban sa mga miyembro ng Socorro Bayanihan Services.

Ayon kay Justice Secretary Remulla, higit 10 na mga indibidwal ang inirekomenda para sa prosekusyon.

Senate probe

Inihain na sa Senado ni Senador Ronald Bato Dela Rosa ang resolusyon na nag-uutos sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa hinihinalang shabu laboratory na binabantayan ng mga private army group at extremist group sa Socorro, Surigao Del Norte.

Ito ay bilang tugon sa hiling ng Mayor ng Socorro na imbestigahan ang Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI) na siyang pinakamalaking organisasyon sa nasabing isla.

Ayon kay Dela Rosa, kailangang seryosohin ng gobyerno ang kahit maliit na alegasyon lalo na’t kung makakaapekto ito sa “public order” ng isang komunidad.

Maalala, ayon sa pahayag ng eye-witness ng Socorro Task Force Kapihan, makikita ang hinihilang shabu laboratory sa underground bunker ng “white house” na tinitirhan ng dalawang lider ng Kapihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *