SoCot, kinumpirma ang 2nd case ng Omicron patient

Kinumpirma ng probinsya ng South Cotabato, ang kanilang ikalawang kaso ng Omicron coronavirus, na kinabibilangan ng returning Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Saudi Arabia.

Ayon kay Hanah Ebeo, health education and promotion officer ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), na ang OFW, na isang 39-anyos na lalaki mula sa bayan ng Polomolok, ay nagpositib sa COVID-19 nang dumating ito sa Cebu noong Dec. 29, 2021.

Ang pasyente na sumailalim sa two-week mandatory quarantine, ay tinukoy na recovered ng Cebu City health office noong Jan. 13 at umuei sa kanilang bahay noong Jan. 15.

Pero batay sa resulta ng Genome sequencing na ibilabas noong Miyerkules ng University of the Philippines-Philippine Genome Center, nakumpirma na ang pasyente ay mayroong Omicron variant.

Paglilinaw naman ni Ebeo, ikinokonsidera nang fully recovered at hindi na banta ang pasyente nang dumating ito sa probinsya. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *