SoCot, may panibagong kaso ng filariasis

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA ng isang kaso ng filariasis ang lungsod ng Koronadal sa isinagawang nocturnal blood smearing ng Integrated Provincial Health Office Mosquito Borne Program ng South Cotabato sa Sitio El Nalam, Barangay Assumption, Koronadal City.

Ito ang kinumperma ni Jose Baroquillo, sanitary inspector 4 at provincial mosquito-borne diseases coordinator ng Integrated Provincial Health Office o IPHO-South Cotabato sa panayam ng Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Baroquillo, isa ang nagpositibo sa sakit na filariasis mula sa 38 indibidwal na isinailalim sa nocturnal blood smearing para sa nasabing sakit.

Inihayag din ni Baroquillo na curable pa ang nasabing pasyente dahil wala pa naman umanong nakitang pagbabago sa kanyang katawahan.

Dagdag pa ng opisyal na kabilang sa mga sintomas ng sakit ang paglaki ng mga paa, suso sa mga kababaihan at paglaki ng bayag sa mga lalaki.

Matatandaan na noong 2013 ideneklarang filariasis free ang probinsya ng South Cotabato ngunit ayon sa opisyal hindi ito makaka-apekto sa estado ng lalawigan bilang filiaris free.

Napag-alaman na nadiskubre ang nasabing kaso sa isinagawang outreach program ni City Councilor Ma. Ester Marin Catorce noong Sabado katuwang ang IPHO-South Cotabato at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *