Softdrinks, hindi kasali sa monitoring ng DTI 12

KORONADAL CITY- HINDI bahagi ng monitoring ng Department of Trade and Industry o DTI Region 12 ang presyo ng mga softdrinks.

Ito ang inihayag ni DTI 12 OIC Assistant Regional Director Rictoniel Reginio sa gitna ng pagtaas at pagdoble ng presyo ng mga softdrinks sa South Cotabato at ilang lugar sa Soccsksargen.

Ayon kay Reginio na ang mandato ng DTI ay ang monitoring at regulation lamang ng mga basic at prime commodities o mga pangunahing bilihin ng mga consumers at hindi kasali dito ang softdrinks.

Ngunit ayon sa opisyal na ang price increase sa mga softdrinks ay posibleng dahil sa kulang na supply at pagtaas ng mga raw materials nito katulad ng asukal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *