SOGIESC bill, maaring na umanong talakayin ng Senado sa susunod na linggo

Maari nang talakayin ng Senate Committee on Rules sa susunod na linggo ang kontrobersiyal na panukala na naglalayung mapatawan ng penalidad ang diskriminasyon batay sa sexual orientation, gender identity or expression, or sex characteristics (SOGIESC).

Ito ay matapos ang halos isang buwan nang irefer ang panukala kay panel chairman Majority Leader Joel Villanueva para sa dagdag na pag-aaral, kasunod ng mga reklamo ng ilang religious groups.

Mababatid na tutol dito si Deputy Minority Leader Risa Hontiveros at sinabing dapat itong e remanded to her panel, the Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Pinuna rin nito si Villanueva dahil sa tila pagkaantala sa committee report na isinumite noong Disyembre, matapos ang isang committee hearing, bagay na itinangi ng nauna.

Giit ni Villanueva, hindi maaring madaliin ng Kongreso ang ganoong kontrobersiyal na panukala.

Samantala, sinabi ng senador na may tatlo siyang kasamahan na nais talakayin ang SOGIESC bill kasabay ng iba pang anti-discrimination measures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *