SoJ Remulla, nanindigang ‘di kapit-tuko sa puwesto

Nanindigan si Justice Secretary Boying Remulla na alam niya ang kanyang ginagawa at tuloy pa rin ang kanyang pagsisilbi sa bansa.

Ito ay sa gitna ng mga panawagan ng kanyang resignation dahil sa kontrobersya ng pagkaka-aresto ng kanyang anak na si Juanito Jose Remulla III matapos mahulihan ng mahigit P1Million na halaga ng suspected marijuana.

Sa isang panayam, sinabi ni Secretary Remulla na tuloy ang kanyang serbisyo sa Pangulo.

Nanindigan din itong hindi siya kapit-tuko sa puwesto.

Naniniwala naman si Secretary Remulla na isa itong pagsubok sa kanila kung papaano iha-handle ang mga sensitibong usapin.

Muli ring sinabi ng Kalihim na hindi siya nanghingi ng pabor kahit kanino para mapagaan ang kaso ng anak.

Matatandaang kay Pangulong Bongbong Marcos na mismo nanggaling na hindi basehan ang kaso ng anak ni Secretary Remulla para ito ay mag-resign sa tungkulin.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *