Solante, iginiit na mahalaga ang face mask, kahit tanggalin na COVID-19 global health emergency

Binigyang diin ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na nananatili paring mahalaga ang pagsusuot ng face masks, kahit pa ideklara ng World Health Organization (WHO) na tapos na global health emergency dahil sa COVID-19.

Batay sa updated guidelines ng WHO para sa COVID-19, iginiit ni Solante ang kahalagahan ng pagsusuot ng mask sa community settings, dahil sa prevalence ng coronavirus sa buong mundo.

Sa ngayon, ang pagsusuot ng face masks sa parehong indoor at outdoor settings sa bansa ay voluntary, batay bsa executive order na inilabas ng Malacañang noong October 2022.

Pero batay sa updated COVID-19 guidelines, inirerekomenda ng WHO ang patuloy na pag-gamit ng masks para sa mga na-expose sa COVID-19, mga pinaghihinalaang may COVID-19,  mga high-risk ng severe COVID-19, at ang mga nasa crowded, enclosed, o poorly ventilated space.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *