Binabalangkas na ngayon ng city government ang olongapo city solid waste management plan
Ito ay para maipresenta sa National Solid Waste Commission na magsisilbing manual o batayan ng lgu kung paanong ipatutupad ng maayos ang RA 9003 sa Olongapo.
Ayon kay ESMO head Engr.Lorelie Ricasa, nakapaloob dito ang 10-year plan ng city government na kailangang tuloy-tuloy na maisakatuparan.
Bago ang presentation sa NSWC ay pupunta sa Olongapo ang mga representante ng environment management bureau para tulungan ang syudad na ayusin ang. management plan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
