Solo parent sa Angeles may ayuda mula sa city government

Sinimulan na ng Angeles City Government ang pamimigay ng ayuda sa mga solo parent sa lungsod.

Nagsimula ito kahapon, at magtatagal hanggang mabigyan lahat ng nasa 2500 na registered solo parent.

Ang mga solo parent ay naka tanggap ng isang libong piso, bigas, at 3 months’ supply ng vitamin C.

Ayon kay Joy Duaso, ang head ng City Social Welfare and Development Office, ang mga solo parent na mabibigyan ng ayuda, ay yung mga naka register sa solo parent affairs office mula January hanggang December 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *