Solon: 1,600 House employees, nabakunahan na vs COVID-19

Ibinahagi ni Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III na nasa 1,600 na mga empleyado na ng House of Representatives (HoR) ang mababakunahan laban sa coronavirus disease 2019, simula nang umpisahan ang in-house inoculation drive ng kapulungan nitong buwan .

Ayon kay Garcia na head ng House CongVax Program, target nila na mabakunahan ang 25,000 na mga empleyado, kabilang na ang kanilang mga pamilya.

Dagdag ng mambabatas, ang mga nabakunahan ay kabilang sa A2 at A3 priority list, o senior citizens at mga may comorbidities.

Inihayag rin nito na nakakuha ang Kamara ng Novavax vaccine doses mula sa India, kung saan, nasa P50 million ang inilaan para sa vaccination ng House members at ng kanilang dependents.

Samantala, inaasahan rin ng House ang pagdating ng isa pang biniling vaccine doses sa Hulyo. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *