Solon, binatikos ang NGCP sa kabiguan na pigilan ang summer blackouts sa Luzon

Binatikos ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa rotating power interruptions sa Luzon, at sinabing bigo ang mga ito na pigilan ang naturang scenario sa kabila ng kanyang mga babala.

Una nang iminungkahi ni Reyes na kailangang bigyan ng atensyon ang ancillary services dahil sa nakaambang noon na banta sa grid at sa kanilang capacity na mag-transmit ng electricity papunta sa kanilang electricity distributors at sa consuming public, lalo na sa health facilities.

Mababatid na nag-anunsyo noong Lunes ang NGCP ng red alert sa Luzon grid, na nagresulta ng rotating power outages

Ang dahilan nito ay ang forced outages na naranasan sa limang power plants, habang ang tatlong iba pa ay nasa derated capacities.

Giit ni Reyes, na ang surge sa electricity demand kapag summer months ay hindi unforeseen scenario, at mabilis sanang matutugunan kung ginawa lang umano ng NGCP at ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kanilang mandato. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *