Solon: Fuel excise tax suspension, kailangan parin sa kabila ng rollback

Binigyang diin ng isang mambabatas na kailangang agad aksyunan ang mungkahing pagsuspende sa pagpapatupad ng excise taxes sa ilang fuel products, sa kabila ng mga nakaraang rollback sa presyo nito.

Giit ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay, nananatiling imperative ang legislation sa suspensyon ng fuel excise tax, para matiyak na nakalatag ang mga hakbang sakaling mayroong muling pag-galaw sa presyo ng petroleum goods.

Binigyang diin rin ni Suntay na ang bagong pagbaba sa presyo ng fuel, ay hindi nangangahulugan na ang cost ng crude oil ay bumalik na sa $65 per barrel –ang threshold na itinakda ng nananatiling unnumbered substitute bill na inaprubahan ng House ways and means committee noong November 11.

Matatandaan na inaprubahan ng House ways and means committee ang substitute bill sa House Bill No. 10438 na magsususpende sa excise taxes sa diesel, liquified petroleum gas, at kerosene habang binababaan rin ang rates para sa iba pang oil products.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *