Solon, hiniling ang mas maagang pagpapalabas sa mid-year bonus

Isinusulong ng isang mambabatas ang maagang pagpapalabas ng gobyerno sa mid-year bonus ng mga manggagawa.

Ayon kay Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, ang mid-year bonus ay kailangang mailabas bago ang May 14, na mas maaga kumpara sa usual release ng naturang insentibo.

Giit ni Defensor, ito ay malaking tulong sa mahigit isang milyong workforces sa bureaucracy sa gitna ng pandemya, lalo na sa mga healthcare at iba pang frontliner workers.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11466, ang mga personnel ng gobyerno, mula sa pangulo pababa sa lowest-paid janitor o clerk, ay makakatanggap ng mid-year incentive na katumbas sa isang buwang sahod, na ibibigay na hindi mas maaga sa May 15 bawat taon.

Pero dahil ang May 15 ngayong taon ay Sabado, umaapela ang mambabatas na gawin ang payment ng bonus sa Biyernes. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *