Iminungkahi ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers na kailangan ng malalim na imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagkakadawit sa “double cover-up” at “double recycling” attempts ng mga pulis na sangkot sa Oct. 8, 2022 drug bust sa Tondo, Manila.
Giit ni Barbers, tila nabulag si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, kung hindi “hoodwinked”, ng kanyang mga subordinates mula sa PNP sa kung anu talaga ang nangyari sa ground noong isinagawa ang drug raid sa Tondo.
Dagdag ng mambabatas, nagwawarm up pa lamang bilang DILG chief si Abalos nang mangyari ang Oct. 8, 2022 Tondo drug.

Paglalahad ng mambabatas, na chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na batay sa mga dokumento at video footages ng naturang insidente, ang una sa double cover-up attempt ay nangyari nang subukan ng mga opsiyal mula sa PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG) pero bigo na makabuo ng scheme na mapalaya si Mayo na sinasabing ginamit sa follow-up drug sting operation sa Pasig City.
Ang pangalawang cover-up attempt ani Barbers ay nang mahuli ang dalawang opisyal mula sa PNP-DEG SOU 4a na sina P/SMS ( Police Senior Master Sergeant ) Jerrywin Robosura at P/SMS Lorenzo Catarata sa closed-circuit television (CCTV) camera footage na isinasakay sa puting sasakyan ang dalawang itim na bag naglalaman ng “shabu”. //MHEL PACIA-TRINIDAD