Solon, isinusulong ang pagpapataw ng $25 tourist welfare tax sa mga foreign visitors

Isinusulong ni Camarines Sur 2nd District Representative Luis Raymund Villafuerte Jr. ang pagpasa ng panukalang naglalayong magpataw ng $25 tourist welfare tax sa mga foreign visitors na nananatili nang wala pang dalawang buwan sa bansa.

Sa ilalim ng HB 5285, ang mga makokolektang bayarin ay ilalaan sa Department of Tourism para sa tourist welfare services at sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) para sa pagpapabuti ng mga tourism infrastructure sa bansa.

Ang tourist welfare tax ay ilalaan din sa mga tourism offices ng mga local government units para sa pagbuo o leveling up ng kani-kanilang tourist-friendly programs.

Sa ilalim ng panukala, maaaring taasan ang tourist welfare tax pagkalipas ng limang taon upang isaalang-alang ang inflation.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *