Solon kinuwestyon ang request ng DOH na P1-B pambili ng remdesivir

Kinuwestyon ng isang mambabatas ang request ng Department of Health (DOH) na P1 bilyong pondo pambili ng anti-viral drug na remdesivir bilang COVID-19 treatment.

Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, mahal ang nasabing gamot at wala namang pruwebang epektibo nga ito laban sa COVID-19.

Aniya, di nito napapaikli ang clinical treatment, di nito iniiwasan ang paggamit ng mechanical ventilation, at di nito nababawasan ang mortality sa bansa.

Lahat umano ng negatibo tungkol sa remdesivir ay inilabas na ng World Health Organization (WHO) pero tila di nakikinig ang gobyerno.

Giit ng mambabatas, hinala nya ay may nakikinabang na rito dahil bakit ang murang ivermectin ay di maaksyunan ng DOH.

Mababatid na una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na ginagamit ang remdesivir sa nasa 50 mga ospital at inirekomenda at inaprubahan ng local experts gaya ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Disease.

Samantala, sinabi ng kalihim na bukas naman ang DOH sa kahit anog imbestigasyon tungkol sa paghingi ng pondo para sa remdesivir.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *