Solon, nagbabala ng legal action sakaling harangan ang kanilang isasagawang ‘ivermectin pantry’

Tiniyak ng isang mambabatas na lalabanan ang Food and Drug Administration sa korte, kung haharangan umano nila ang kanyang plano na mamahagi ng antiparasitic drug ivermectin nang libre.

Mababatid na sina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at House Deputy Speaker Rodante Marcoleta ay magsasagawa ng “Ivermectin Pan-three” – na hango sa community pantry initiative sa Quezon City.

Kaugnay nito, mamamahagi ang mga mambabatas ang tatlong kapsula ng naturang gamot sa bawat benepisyaryo.

Ayon kay Defensor, ang mga umaasang makakakuha ng ivermectin ay maari lang ipresenta ang kanilang medical prescriptions.

Sakaling naman umanong hindi available, may mga doktor sa event na magbibigay ng reseta, batay sa kanilang medical information.

Dagdag nito, ang gamot ay gagawin ng licensed compounding laboratory. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.