Solon, naghain ng P40-B relief package para sa pandemic-hit local airlines

Naghain ang isang mambabatas ng panukala na humihiling ng P40-billion relief package para sa pandemic-battered Philippine air carriers.

Sa House Bill No. 9324 o ang Air Carriers Relief Act na inihain ni House Economic Affairs chairperson Rep. Sharon Garin, kinikilala ang mahalagang papel ng transportation sector sa pag-facilitate sa daloy ng pagkain, tao at investment.

Dahil dito, kailangan ring maiprayuridad ng pamahalaan ang pagbibigay ng reliefs para sa anumang banta mula sa existence ng air transport sector sa pamamagitan ng pagbibigay ng loan payments, interest free loans, loan guarantees at regulatory reliefs sa panahon ng pandemya.

Matatandaan na noong nakaraang taon nang humingi ng tulong ang Air Carriers Association of the Philippines o ACAP sa Duterte administration, dahil sa hinaharap ng mga airline na “existential threat” para sa kanilang survival sa gitna ng lockdowns, pero sinabi ni executive director Roberto Lim na walang loans na ibinigay ang gobyerno para sa mga airlines, sa halip ay tinanggal lang ang aeronautical charges sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Samantala, sa ilalim ng panukala ni Garin, kailangan umanong mag-introduce ang Development Bank of the Philippines (DBP) ng interest-free loan program para sa mga apektadong industry players sa P10 billion, kung saan P2 billion ang magiging maximum loanable amount per domestic carrier. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *