Solon sa ilang gov’t. agencies: ‘Tulungan ang PGH para maka-recover sa sunog’

Hnimok ng isang mambabatas ang ilang government agencies na tulungan ang Philippine General Hospital (PGH) para agad itong makabalik sa normal na operasyon matapos masunog ang bahagi ng gusali nito noong weekend. 

Sa ilalim ng Resolution 1767, nanawagan si Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Finance (DOF) na magbigay ng kinakailangang financial personnel, infrastracture, at supply assistance sa ospital.

Ayon sa mambabatas, dapat ay maibigay na agad ang pondo dahil kailangan na ang 24/7 reconstruction ng pagamutan.

Aniya, ang PGH ang takbuhan ng mga mahihirap na Pilipinong nais magpagamot at malaki ang epekto sa health care system ng bansa ang pagka-antala sa operasyon sa PGH.

Mababatid na sinabi ni PGH director Dr. Gerardo Legaspi na posibleng abutin ng tatlo hanggang apat na buwan bago bumalik sa normal na operasyon ang bahagi ng building na tinupok ng apoy. 

Aniya, lumang sterilization units ang nasira dahil sa insidente pero wala namang nasaktan.

Inaalam na ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *