Solon, suportado ang isinusulong ni PBBM na i-legalize ang small-scale mining

Suportado ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte ang direktiba ng Malacañang para sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pag-aralan ang pagsasalegal sa predominantly unlicensed activities ng mga small-scale miners.

Ayon kay Villafuerte, ito umano ay magbibigay daan sa gobyerno na magbigay sa mga miners ng social protection, skills training, at financial incentives para sa kanilang operasyon.

Kaugnay nito, suportado ng mambabatas ang mungkahi ng pangulo sa Kongreso na amyendahan ang Republic Act (RA) No.7065, o ang “People’s Small-Scale Mining Act of 1991″, sa pamamagitan ng pag-incentivize sa small-scale mining at magbigay ng social assistance, labor protection, at government assistance programs sa naturang mga miners.

Para kay Villafuerte, makakatulong ito sa departamento na ma-regulate ang mga aktibidad at mapa-flush out ang mga illegal miners.

Ang People’s Small-Scale Mining Areas o Minahang Bayan ay mga lugar kung saan legal na pinapayagan ang small-scale miners na mag-extract ng gold, silver at chromite. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *