National

Solons, kinundena ang plano ng NTF-ELCAC na humingi ng dagdag budget para sa 2022

Mariing kinundena ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang plano ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na humingi pa ng karagdagang pondo para sa kanilang barangay development program.

Ito ay matapos na ibunyag ni Interior Secretary Eduardo Año na nais ng anti-insurgency task force na palawigin ang kanilang barangay development program funding sa P40 bilyon sa 2022.

Kinuwestyon ni ACT Teachers party-list Representative France Castro kung bakit nanghihingi pa ng dagdag na pondo ang task force kung di nga maipaliwanag ng mga ito ang budget utilization para ngayong taon. 

Iginiit naman ni Bayan Muna party-list Representative Eufemia Cullamat na walang kahihiyan ang NTF-ELCAC dahil nagamit lamang naman ng task force ang 2021 budget para mang-red tag ng mga aktibista at mga nasa mahihirap na komunidad. 

Binigyang diin naman ni Kabataan party-list Representative Sarah Elago, na di lamang dapat i-defund ang NTF-ELCAC kundi dapat ay buwagin na rin dahil sa dami at lalim ng paglabag sa karapatang pantao at pag-atake sa mga mamamayang nagpapahayag ng hinaing sa gitna ng pandemya.

Mababatid na ngayong taon, nakatanggap ang barangay development program ng NTF-ELCAC ng P16.44 billion para i-develop ang 822 barangays. Layunin nitong maghatid ng sustainable solutions at basic services sa mga komunidad. 

Nagpahayag naman ng suporta si House Speaker Lord Allan Velasco sa pagbibigay ng karagdagang pondo para sa NTF-ELCAC.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

7 hours ago