SONA ni Marcos, all-set na sa Lunes

All-set na ang mga preperasyon para sa kauna-unahang State of the Nation ni Pangulong Bongbong Marcos.

Inilatag na ng House Officials ang mga panuntunan nito para sa mga bisita at mga kawani ng media na dadalo sa Batasang Pambansa Complex.

Ayon kay House Secretary General Dong Mendoza, ipatutupad ang mahigpit na health screening bago makapasok sa Plenaryo at iba’t ibang mga gusali sa Kamara.

Sa bagong abiso, pinaalalahanang required ang negatibong resulta ng RT-PCR pati na rin ang on-site Antigen testing.

Required din ang pagsusuot ng mga ‘medical grade’ face masks gaya ng N95; habang otomatiko nang hindi papapasukin ang mga higit sa 37°C ang temperatura.

Magkakaroon umano ng mahigpit na pagscreen ang mga personnel ng PSG kung saan ay ipe-presenta ang negatibong RT PCR result, vaccination card, at mga ID.

Nag-anunsyo naman ang Quezon City government na suspendido na ang klase sa lahat ng mga lebel sa buong Lungsod bilang pagbibigay daan sa SONA.

Kamakalawa nang magsagawa ng walk-through ang ilang House at Palace officials para matiyak ang seguridad ng Pangulo at ng mga bisita.

Nag-ikot din si Paul Soriano para alamin ang magiging plano nito sa pagdi-direk ng programa ng SONA para sa video production ng RTVM.

Samantala, wala pa ring opisyal na pahayag si Mendoza hinggil sa panawagan ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na i-reconsidera ang order na pagbabawal sa mga kasuotang mayroong ‘political statement’.

Abangan naman ang Special Coverage ng Brigada News Philippines para sa SONA ni Pangulong Marcos.

Mapanonood sa lahat ng mga Online Streaming Platforms ng Brigada News Philippines, Social Media Accounts, at mapakikinggan sa lahat ng Brigada NewsFM Nationwide.
#


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *