Sorpresang paginspeksyon ng IMT sa mga river resorts at tourist destinations sa lalawigan nagpapatuloy

CAMARINES NORTE- Kinumpirma ni Provincial Tourism Officer Mariano “Bong” Palma  ang kanilang ginagawang sorpresang site inspection sa lahat ng mga river resorts at tourist destinations sa Camarines Norte

Ito’y matapos ang ginawang pagbisita ng Provincial IMT sa mga river resorts sa San Lorenzo Ruiz kamakailan.

Ayon sa naturang opisyal,  Ginawa ang sorpresang pag-inspeksyon para makita kung sumusunod sa 50% client capacity ang mga resorts.

Layunin din nito na paalalahanan ang mga resort owners na sumunod sa mgs panuntunan ng DILG, IATF, PNP at DOH partikular na ang ukol sa minimum public health and safety standard.

Pinaalalahanan din ang mga resort operators at mga barangay officials na mahigpit na ipatupad ang mga guidelines bilang proteksyon sa publiko bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa  lalawigan.

Paalala ni Palma, ang hindi susunod ay maaaring sampahan ng kaukulang kaso o kaya ay ipasara ang kanilang mga establisimyento.

(photo courtesy: Go CamNorte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *