SORSOGON CITY—Nangunguna ngayon ang lungsod ng Sorsogon sa buong rehiyong Bicol pagdating sa Mass Philippine Risk Assessment Accomplishment Ranking base sa pinakahuling record nitong Marso 27 taong kasalukuyan.
Base sa tala, mula sa target number of clients na 71,204 nakakapagtala na ito ng kabuuang 91.49% ng total target population, mas mataas kumpara sa ibang mga lungsod sa rehiyon.
Ang Ligao City ay mayroong 84.11%, sinundan ito ng Iriga City na may 71.64%, Tabaco City na may 71.98, Legazpi City na may 69.28%, Naga City na may 44.38% at Masbate City na mayroon pa lamang 36.90%.
Labis ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa lahat ng mga health workers na nagpakita ng dedikasyon sa kanilang tungkulin upang suyurin ang 64 barangay sa lungsod sa kabila ng ulan at mainit na panahon.
Kaugnay nito ay tiniyak naman ni Mayor Ester Hamor ang sapat na mga benepisyo sa mga ito upang mas lalo pang mapataas ang kanilang moral at mapaghusay ang pagbibigay ng serbisyo medikal sa bawat barangay.