Sorsogon Grand Santacruzan 2023, itatampok ang tradisyunal na aktibidad tuwing buwan ng Mayo

Sa layuning maitampok ang tradisyunal na Santacruzan na nakaugalian na aktibidad tuwing buwan ng Mayo at bilang bahagi na rin ng Cultural and Heritage Entertainment,  ihahandog ng Provincial Government ang Grand Santacruzan 2023.

Nakatakda ito sa Mayo 25 hanggang Mayo 27 at lalahukan ng lahat ng mga munisipalidad sa lalawigan gayundin ng tatlong distrito mula sa lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay Provincial Tourism Culture and the Arts Office (PTCAO) Sorsogon head Bobby Gigantone, sa ngayon aniya ay patuloy ang kanilang mga paghahanda upang mapulido ang nasabing event para na rin sa kasiyahan ng mga sasaksi dito partikular na ang mga bisita na kanilang inaasahan na dadagsa ngayong summer.

Ipinapagpapasalamat din umano nila ang pagtanggap at  kooperasyon ng mga Local Chief Executives para sa ikatatagumpay ng aktibidad.  Inaasahan naman na magiging grandioso ang nasabing okasyon bilang ito ang kauna-unahang pagkakataon na buong probinsya ang lalahok sa aktibidad ng Santacruzan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *