Sorsogon, mayroong 5 karagdagang drug cleared municipalities

Nadagdagan pa ang bilang ng mga drug cleared municipality sa lalawigan ng Sorsogon, ito’y matapos na opisyal na rin na idineklara bilang “Drug-Cleared’’ Municipality ang limang iba pang mga munisipyo   sa ginanap na Regional Oversight Committee-Barangay Drug Clearing Program Deliberation (ROC-BDC) noong Mayo 2, 2023.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Bulusan, Magallanes, Prieto Diaz, Sta. Magdalena at Casiguran.

Dahil dito, ang lalawigan ay mayroon nang kabuuang 8 drug cleared municipalities.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Assistant Regional Director/ ROCBDC Supervisor Director II Aida  Ferolino at dinaluhan naman ng mga miyembro ng ROCBDC, at Municipal Core Team sa pangunguna ng kani-kanilang mga Local Chief Executives.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *