Sorsogon, nakatanggap ng mahigit P2M mula sa PhilHealth, pinakamalaki na bayad para sa E-Konsulta package

Aabot sa P2, 377,414.34 ang ibinigay na bayad ng PhilHealth sa lalawigan para sa E-Konsulta packages, ito umano ang pinakamalaking bayad para sa E-Konsulta sa buong bansa.

Samantala, ang Sorsogon City ay natanggap na rin ng bayad sa kanilang E-Konsulta na nagkakahalaga ng P738, 287.36 habang ang bayan ng Castilla ay nakatanggap ng bayad na nagkakahalaga ng P605,050.62.

Nabatid na ang Sorsogon ang kauna-unahang lalawigan na may pinamakamaraming health facilities na akreditado na sa PhilHealt E-Konsulta Program na umabot na sa 24 na health facilities, bagay na ipinagpapasalamat ni Gov Edwin Hamor kay dating Gov Chiz Escudero na ngayon ay senador na, sa pagsimula ng nasabing programa.

Ang E-Konsulta o Konsultasyong Sulit at Tama ng PhilHealth, katuwang ang Dept of Health ay naglalayong mabigyan ng primary care ang mga miyembro nito bilang pagtugon sa mandato ng UHC law.

Ibig sabihin, bagao pa man magkasakit ang isang indibidwal, ay may primary care provider na na mag-aalaga sa kanya.

Ang mga serbisyong makukuha dito ay check-up, health screening at assessment, laboratory at gamot ayon sa health risks, edad at pangangailangan ng pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *