Sorsogon, nanguna sa MR vaccination sa rehiyong Bicol

Nangunguna ang lalawigan ng Sorsogon sa Measles-Rubella vaccination sa Kabikolan.

Sa pahayag sa Brigada News ng tagapagsalita ng DOH-RO5 na si Joana Angela Prianes, sinabi nito na base sa kanilang partial unofficial quick count, naitala ang 60.21% na target population ang nabakunahan sa lalawigan, ito ay katumbas ng 8 araw ng pagbabakuna.

Ang Sorsogon ay sinundan ng lalawigan ng Masbate na nakapagtala ng 52.54% na nabakunahan; Albay, 51.41%; Catanduanes, 48.71%; Camarines Norte, 46.80%; Camarines Sur, 42.79% habang ang City of Naga ay may naitalang 32.48% na pagbabakuna.

Ayon pa kay Prianes, sa kabuuan ay mababa pa ang kanilang accomplishment   sa   Measles-Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) sa buong Kabikolan.

Target umano ng rehiyon ang 85% ng populasyon sa unang 10 araw ng pagbabakuna.

Gayunpaman, kinilala ng DOH- CHD ang mga pagsisiskap ng mga LGUs sa rehiyon lalong lalo na ang mga BHWs na masisipag sa pagbabakuna sa kanilanmg health centers maging sa mga kabahayan umulan man o umaraw.

Patuloy ngayon ang panawagn ng ahensya sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak edad 9-59 buwan laban sa tigdas at rubella at edad 0—59 buwan laban naman sa polio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *