Sorsogon PTCAO, hiniling ang kooperasyon ng mga barangay na nakapalibot sa karagatan ng Matnog

Kasunod ng insidente ng pagkalunod ng isang turista, muling hiniling ng pamunuan ng Provincial Tourism Culture and the Arts Office  ang kooperasyon ng mga barangay na nakapalibot sa karagatan ng Matnog.

Sa pahayag ni PTCAO head Bobby Gigantone sinabi nito na mayroong pagkukulang ang nasabing mga barangay dahil pinapayagan ng mga ito na may makapagsagawa ng illegal island hopping.

Binanggit ng opisyal na tanging ang Barangay Camcaman lamang ang lehitimong entry at exit point para sa nasabing aktibidad subalit, hinahayaan ng ilang  mga barangay na labagin ito, patunay aniya ang nangyaring insidente kung saan sa Barangay ng Tablac pumasok para mag island hopping ang bangkang sinakyan ng biktima at ng kapamilya nito.

Sinabi pa ni Gigantone na kailanman ay hindi sila nagkulang ng paalala sa bagong Tourism Code kaya inaasahan ng kanilang opisina na gagawin ng mga ito ang kanilang obligasyon, subalit hindi nangyari at nagresulta nga sa nasabing aksidente.

Dagdag pa ng opisyal na may obligasyon uang mga barangay na ipaalam sa kanilang mga residente ang mga alintuntunin sa Tourism Code at pagbawalan ang mga ito na pumunta sa mga tourism sites na hindi dumadaan sa Municipal Tourism Office o sa tamang proseso. Sa kasalukuyan ay mayroong 78 MARINA certified na mga bangka para sa island hopping, kung kaya hindi na umano dapat na tinatangkilik ang mga illegalĀ  boat operators.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *