Sorsogon, walang kapasidad na mag-imbak ng Pfizer vaccine

SORSOGON CITY – Malabo ang posibilidad na mabigyan o makakuha ng Pfizer brand ng COVID-19 vaccine ang lalawigan.

Sa pahayag ni City Health Office (CHO) head Dr. Rolando Dealca, sinabi nito na walang kapasidad ang probinsya na makapag-imbak ng nasabing uri ng bakuna dahil walang angkop na storage facility para rito.

Aniya, sa kasalukuyan ay tatlong lugar lamang sa buong bansa ang mayroong pasilidad na kayang mag-imbak ng nasabing bakuna dahil mayroon silang malalaking pharmaceutical companies at ito ay kinabibilangan ng National Capital Region (NCR), Davao City at Cebu City.

Dagdag pa ng opisyal, kinakailangan kasi ng -70 degrees na lamig upang mapanatiling maayos at mapreserba ang mga Pfizer Covid-19 vaccine.

Una rito, marami ang mas pinipili ang Pfizer dahil sa mataas na effectivity rate nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *