South Cotabato, top 1 sa may pinaka-maraming kaso ng Covid-19 sa R-12

KORONADAL CITY- NANGUNGUNA parin ang South Cotabato sa may pinakamataas na aktibong kaso ng Covid-19 sa Rehiyon-12 base sa datos ng Department of Health o DOH-12.

Base sa datos, nasa 2,318 ang aktibong kaso sa South Cotabato ngayong buwan.

Sinusundan ito ng North Cotabato na may 1,341 na aktibong kaso at General Santos City na may 1,145.

Napag-alaman na punu-an parin ang mga hospital sa lalawigan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso.

Sa kabila nito, mataas din umano ang recovery count ng lalawigan na nasa 11, 421 na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *