Southeastern Taiwan, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ngayong Linggo

NIYANIG ng magnitude 6.8 na lindol ang southeastern part ng Taiwan kahapon, araw ng Linggo.

Batay sa ulat ng United States Geological Survey, naitala ang sentro ng pagyanig sa Chishang Townaship ng nasabing lugar habang naitala rin ang lalim nitong aabot sa 10 kilometers.

Dahil sa malakas na lindol, nag issue ang Japan Meteorolical Agency ng ‘tsunami warning’ sa Miyako island sa East China Sea ngunit kalaunan ay ibinaba naman ng ahensya ang nasabing alerto.

Samantala, wala namang naitalang casualties ang pagyanig ngunit maraming mga gusali ang nawasak at nag collapsed habang may mga naiulat rin na insidente kung saan ilang mga residente sa lugar ang ni-rescue matapos ma-trapped sa mga gumuhong gusali.

Kaugnay nito, ipinag-utos naman ni Taiwan President Tsai Ing Wen ang pag activate sa Central Emergency Operation Center habang nag deploy na rin ng mga sundalo sa lugar para pangunahan ang rescue at pamamahagi ng relief efforts para sa mga apektadong residente.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published.