Southwest monsoon, magdadala ng maulap na kalangitan, ulan sa PH

Magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang ulan ang southwest monsoon sa bansa.

Ayon sa Pagasa, ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms ay iiral sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at sa mga probinsya ng Batanes, Cagayan, Zambales, at Bataan.

Pinapayuhan ng weather bureau ang mga residente na maghanda laban sa posibleng flash floods o landslides sa oras na katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas ang ulan.

Samantala, ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *