SP Escudero – umaasang mailalatag sa darating na SONA 2024 ang mga ‘priority bills’ para sa publiko

Inamin ni Senate President Chiz Escudero na hindi niya pa kabisado ang posibleng maging papel niya sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) 2024 ng Pangulo.

Ngunit sa kabila nito, tiniyak niyang sumasailalim na siya sa mga pag-aaral upang tuluyang maintindihan ang kanyang magiging gampanin dito.

Anya, katulad ng mga naunang SONA ay umaasa siyang mapakikinggan ng publiko ang tunay na kalagayan ng bansa at maging ang mga planong kailangang tutukan ng mga mambabatas.

Alinsunod nito, umaasa siyang makapaglalatag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga makabuluhan at makahulugang panukalang batas na nais niyang tutukan, pag-aralan at suriin ng Kongreso.

Samantala, tiniyak niyang mananatili sila sa Senado sa pagsisilbi at paninidigan para sa mga mamamayang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *