SP, inaprubahan na ang pagbibigay ng health emergency allowance sa health workers ng Albay PHO

LEGAZPI CITY – Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay ang kahilingang pumagitan ang Provincial Government at ang Department of Health (DOH) sa isang memorandum of agreement (MOA) para sa mga frontliners sa panahon ng pandemya.

Sa nasabing MOA, nakapaloob ang pagbibigay ng health emergency allowance sa mga healthcare workers ng Provincial Health Office mula sa DOH Bicol.

Sa ilalim nito, makakatanggap sila ng aabot sa tatlong libumpisong halaga ng allowance para sa mga low risk; anim na libumpiso sa medium risk, habang siyam na libumpiso naman para sa mga high risk.

Bukod pa rito, kasama rin sa tungkulin ng PGA sa ilalim ng MOA ang pagtanggap ng pondo at ang pagsasaayos ng listahan upang maiwasan ang anumang duplication sa mga tatanggap ng allowance.

Samantala, hiniling naman ni Board Member Vince Baltazar III na makasama ang mga barangay healthcare workers sa mga tatanggap ng allowance sakali mang may sobrang pondo bilang sila rin ay isa sa mga humarap sa pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *