SP Migz: 3-4 Cabinet members, dapat nang sibakin

Sinisi ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagbaba ng approval rating nila Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte sa isyu ng bigas, na aniya ay sanhi ng mga โ€œnon-performingโ€ Cabinet Secretaries ng presidente.

Inihayag nito na malaking perwisyo sa pangulo ang mga ilang myembro ng gabinete dahil hindi nila ginagampanan ang kanilang nang naaayon sa mga pamantayan ni PBBM.

Kung magpapatuloy lamang ang ganitong gawain, dapat na raw silang palitan kung siya lamang ang mag dedesisyon.

Nang tanungin kung ilang myembro ang kanunag tinutukoy, sinagot nitong tatlo hanggang apat na kalihim ang kanyang naiisip, ngunit tumanggi itong pangalanan.

Ito ang kanyang inisyal na reaksyon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na nagresulta sa 65 percent approval rating ni Marcos mula 80 percent, at sa 73 percent ni Dutert mula 84 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *