Speaker, naniniwalang gagawin ang SONA 2021 sa parehong set-up noong 2020

Naniniwala si House Speaker Lord Allan Velasco na parehong set-up parin noong nakaraang taon ang magiging final State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa gitna na patuloy parin ang laban ng bansa kontra sa coronavirus pandemic.

Sakaling ito parin ang masusunod, sinabi ni Velasco na kaunting bisita lang ang iimbitahan para physically na dumalo sa SONA na gagawin sa Batasan Pambansa sa Quezon City.

Mababatid na ang pangulo ay inaatasan sa ilalim ng Konstitusyon na maghatid ng kanyang SONA sa joint session ng Kongreso sa kada ika-apat na Lunes ng Hulyo para ihayag ang kalagayan at accomplishments ng bansa at ang mga plano ng gobyerno sa mga susunod pang taon.

Matatandaan na noong nakaraang taon, piling-pili lang na mga mambabatas at opisyal ng gobyerno ang inimbitahan na makadalo sa pag-uulat sa bayan ng pangulo, upang matiyak ang physical distancing.

Sa media naman, tanging ang mga personnel lang ng government-owned Radio TV MalacaƱang, ang pinayagang magcover sa event, habang hooked up sa kanila ang iba’t-ibang media outfits. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *