Speaker Romualdez, hindi makikialam sa imbestigasyon ng Ethics panel kay Teves

Hindi makikialam ni Speaker Martin Romualdez sa isinasagawang imbestigasyon ng Ethics committee kaugnay sa hindi pa rin pag-uwi ni Teves kahit paso na ang kaniyang travel authority.

Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Romualdez na nakipagpulong sa kaniya nitong Miyerkules ang abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio.

Ipinaalam din umano ni Romualdez kay Topacio ang desisyon ng House Committee on Ethics and Privileges na imbestigahan si Teves dahil sa pagtuloy niyang pagliban sa sesyon ng Kamara kahit napaso na noong March 9 ang travel authority na ibinigay sa kaniya ng liderato ng Kamara nang magtungo siya sa Amerika.

Hinikayat muli ni Romualdez si  Teves na irekonsidera ang plano nito na huwag munang umuwi ng bansa.

Kasabay nito, hinikayat din ni ACT Teachers party-list Representative France Castro, miyembro ng Ethics committee, na umuwi na ng bansa si Teves.

Sinabi ng mambabatas na wala siyang nakikitang magandang dahilan para pagbigyan ang hiling ni Teves na two-month leave of absence.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *