Speaker Romualdez, nais matiyak ang kahandaan ng gobyerno para sa Big One

Nais ni House Speaker Martin Romualdez na tiyakin ang kahandaan ng gobyerno, lalo na ang mga first responders sakaling tumama ang malakas na lindol sa bansa partikular sa Metro Manila.

Ayon sa mga eksperto, libu-libo ang magiging biktima ng nasabing lindol tulad ng nangyari sa Turkey at Syria kung walang paghahanda ang bawat isa.

Matatandaang nitong Lunes ay dumating si Turkey Ambassador Niyazi Aykol sa Kongreso para tanggapin ang $100,000 personal donation ni Romualdez para sa mga biktima ng lindol sa nasabing bansa.

Sinabi ni Ambassador Aykol kay Romualdez na 20 taon na raw nilang alam na tatama ang isang malakas na lindol pero hindi nila inakala na ganito ito kalakas.

Kaya naman gustong malaman ni Romualdez kung gaano kalakas na lindol o intensity ang kakayanin ng National Capital Region  at ilan ang projected casualties.

Balak ng Speaker na ipatawag ang lahat ng disaster agencies at first responder units para malaman kung may operational plan o ‘Oplan’ na ang pamahalaan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *