Special immunization sa Tigdas posible dahil sa paglobo ng kaso noong 2022 sa bansa- DOH Camarines Sur

NAGA CITY- Posibleng ikasa ng Department of Health ang Special Immunization Activity dahil sa mataas na kaso ng Tigdas sa bansa.

Ito ay ayon kay Camarines Sur DOH Officer Dr. Rey Millena. Aniya habang wala pang maraming kaso sa lalawigan, mainam na magpabakuna at magtiwala.

Mababatid noong 2022 , lumubo ang kaso sa 201% ng tigdas sa bansa.

Base ito sa inilabas na datos ng DOH measles surveillance report, nasa 515 na ang naitala sa bansa mula January 1 hanggang November 5. Mataas ang kaso kumpara noong 2021 na 171. Isa sa nakikitang dahilan ng kagawaran ng pagtaas ng mga kaso ay ang mababang immunization rate laban sa tigdas dahil sa mga restrictions nitong pandemya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *