Spence, nais ipatikim kay Pacquiao ang pinakamatindi pagkatalo sa buong boxing career nito

Goal ngayon ni WBC at IBF welterweight champion Errol Spence Jr. na iparanas kay fighting Senator Manny Pacquiao ang pinakamalalang pagkatalo sa buong boxing career nito.

Sinabi ni Derrick James, na nagsisilbing trainer ngayon ni Spence, na hindi niya inaasahan na magbibigay ang kaniyang alaga ng ganitong klase ng pahayag bago ito makipagsuwagan kay Pacquiao sa August 21 sa Las Vegas (August 22, oras sa Pilipinas).

Iginiit ni James na mahalaga ang naging pahayag ni Spence dahil kailangan nila na makalaban ang best version ni Pacquiao.

Mababatid na natalo na ang Filipino icon ng ilang ulit sa kanyang boxing career kabilang na ang tatlong knock-outs na naranasan nito.

Isa sa mga pagkakataon na na-knock out ang Pambansang Kamao ay noong ikaapat na laban nila ni Juan Manuel Marquez noong 2012 kung saan ay napabagsak siya sa ika-anim na round.

Nangyari naman ang ibang knockout deafeats ng boxer-senator laban kina Rustico Torrecampo noong 1996 at Medgoen Singsurat noong 1999, o sa mga panahon na bata, payat, at hindi pa masyadong hasa ang boxing skills ni Pacquiao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *