Sumipa na ang selebrasyon ng 28th Police Community Relations (PCR) Month kahapon, Hulyo 3 na may temang: “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan’’
Ang okasyon ay pinangunahan ni Police Director PCol Dionesio Laceda at naging guest speaker si Worshipful Master Rafael Jaime Caguia Jr ng Bulusan Lodge 38, Free and Accepted, Mason of the Philippines.
Ang police community relations program ay idinisenyo upang patatagin ang partnership at palakasin ang partisipasyon ng komunidad sa peacekeeping at public safety programs ng PNP.
Ang Buwan ng PCR ay nasa ilalim ng PD No. 764 na nilagdaan noong Enero 25, 2005 na nagdedeklara sa buwan ng Hulyo bawat taon bilang PCR Month.
