Local News

SPPO, nanguna sa Performance Evaluation Rating ng police units sa Bicol region sa 4th quarter ng 2022

Nakakuha ng 92.77% sa Unit Performance Evaluation Rating (UPER) ang Sorsogon Police Provl Office, pinakaunang puwesto sa buong rehiyon sa huling kwarter ng 2022.

Bunsod nito, nagpasalamat ang Provincial Director na si PCol Dionisio Laceda sa kahanga-hangang performance na ibinigay ng lahat ng Uniformed at Non-Uniformed Personnel ng Pulis Kasanggayahan at sa aktibong suporta ng ibat-ibang stakeholders at iab pang support groups na patuloy na gumagabay sa puwersa ng PNP sa mandato  nito na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Sorsogonan.

Nangako ito na habang nasa ilalim ng kanyang tungkulin ang SPPO, siya ay magpapakita ng magandang halimbawa para sa kanyang mga nasasakupan sa pagganap ng mga sinumpaang tungkulin at responsibilidad.

Ang pag-gawad ng parangal na Unit Performance Rating ay bunsod ng pagsisikap at sa paggawa ng tungkulin ng bawat police provincial office para maging ligtas at maayos ang kani-kanilang nasasakupan na lugar.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

21 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

21 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

21 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

21 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

21 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

21 hours ago