Spring sources ng CNWD/ Primewater wala pa sa critical level sa kabila ng nararanasang matinding init ng panahon

CAMARINES NORTE- Nananatiling nasa normal na lebel ang mga spring sources ng Camarines Norte Water District/Primewater sa kabila ng nararanasang matinding init ng panahon.

Ayon kay Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda, wala pa sa critical level ang Boro- Boro, Alinaw at Banban spring sources dahil sa mga naranasang pag ulan noong mga nagdaang buwan.

Paliwanag ni Muroda nakatulong ng malaki ang mga naranasang pag ulan simula Oktubre ng nakaraang taon hanggang sa unang bahagi ng 2023.

Ang trend umano sa ngayon batay sa historical data ay wala nang re- charge simula Pebrero dahil sa nagsimula nang uminit ang panahon kaya naging limitado ang suplay sa spring sources.

Nangangahulugan umano ito na simula Hunyo hanggang Oktubre ay magsisimula nang bumaba ang lebel ng mga spring sources.

Pero dahil sa naipong tubig na nagmula sa mga pag ulan na naranasan noong nakaraang taon ay kumpiyansa si Muroda na hindi ito aabot sa sadsad na lebel tulad ng nangyari noong 2019 sa kalagitnaan din ng El Niño phenomenon.

Sa ngayon umano ay minomonitor nila ang El Niño na ayon sa Pagasa ay magsisimulang maranasan simula Hunyo.

Bilang paghahanda dito ay mayroon naiya silang mga na- develop na water supply projects tulad ng Dagotdotan Filtration Facility, Alawihao Filtration Facility at nakalinya rin ang Matogdon, ang dini- develop na spring sa Lugui, Labo para ma- mitigate ang epekto ng El Niño.

At kahit hindi mag- landfall ang binabantayang super Typhoon Mawar na maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi o bukas ng umaga ay makakatulong umano ang mga pag ulang dala nito para ma- re charge ang spring sources.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *