SRA officials iniimbestigahan kaugnay sa naunsiyaming 300,000 MT importation ng asukal

Pina-iimbestigahan na ng Palasyo ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration kaugnay sa lumabas na resolusyon para sa pang-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Press Secretary Rose Beatrix ‘Trixie’ Cruz-Angeles na iligal ang inilabas na sugar order no. 4 dahil wala umano itong basbas mula kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos.

Nilinaw ng kalihim na hindi rin authorized si Usec. Leocardio Sebastian na lumagda para sa pangalan ni Pangulong Marcos na nakita sa naturang resolusyon.

Paliwanag pa ni Angeles na ang ginawang pagtutol ni Pangulong Marcos sa sugar importation ay isang ‘balancing act’ upang matiyak na hindi maapektuhan ang mga local sugar producers lalo na ngayong harvest season.

Inihayag naman ni Angeles na mananagot ang mga opisyal ng SRA kung makikitang mayroong malisya o kapabayaan sa paglalabas ng resolusyon para mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal gayung hindi naman ito otorisado ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.